Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2017

Istratehiya

PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro. Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.   1.        PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paaglalahat o generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan ay tinataw...